Dalawang ina, dalawang anak—kaya nga ba silang mahalin nang pantay ng iisang ama?
Isang exciting at nakaiintrigang teleserye, “Love Thy Woman” starring Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Zsazsa Padilla, Ruffa Gutierrez, and Christopher De Leon.
Iikot ang kuwento sa Filipino-Chinese family ng padre de pamilya na si Adam (Christopher), na susubukin na mahalin at alagaan ng pantay ang kaniyang dalawang pamilya: ang una ay sa asawang si Lucy (Eula) at anak nilang si Dana (Yam), at sa pangalawang asawa na si Kai (Sunshine) at anak nilang si Jia (Kim). Kahit tanggap na nila ang kakaibang sitwasyon ng pamilya, meron pa ring tension sa pagitan ng dalawang asawa, na katagalan ay maipapasa sa kanilang mga anak.
Sa gabi ng kanilang kasal, maaaaksidente sina Dana at asawang si David (Xian), dahilan para ma-coma si Dana. Magsisimula na maging komplikado ang lahat nang mahulog ang loob ni Jia kay David, habang hinihintay na magising ang kapatid na si Dana.
Ano ang kahahantungan ng nararamdaman na ito ni Jia para sa asawa ng kaniyang kapatid na si Dana? Tuluyan na bang magugulo ang kanilang pamilya? Kasama rin sa seryeng “Love Thy Woman” sina Jana Victoria, Jennifer Sevilla, Chienna Filomena, China Yoo, David Chua, Shido Roxas, Tim Yap, Kimberly Tan, Mari Kaimo, Tori Garcia, Turs Daza, and Karl Gabriel. Ito ay sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Andoy Ranay, at Jerry Lopez Sineneng.
Watch “Love Thy Woman” on TFC (Channel 700), Monday-Friday, 5:50 pm KSA exclusively on OSN. To subscribe to OSN Pinoy packages, click here
https://www.osn.com/en-sa/pinoy